Friday, 10 February 2012

RADYO.


Disclaimer: photo not mine.
Ang puso ko, parang radyo. May switch, tuner at volume control. At ikaw ang paborito kong station.

Hmm. Radyo.  Kapag ayoko ko nang makinig sa’yo, pwede ko yun i-off. Kung nami-miss kita, pwede ko i-on at hanapin ang favorite radio station ko. Pwede kong palakasin ang tunog nito para marinig mo ang isinisigaw nito. Volume up para makinig ka at maintindihan mo ang gusto nitong iparating. Volume down kung hindi ka pa handang marinig itoat kung sa tingin ko ay hindi mo pwedeng malaman ang laman ng kanta ko. Kapag busy ka, may tuner naman, para maghanap ng ibang radio station. Para naman maaliw ako kahit papaano. Marunong maglibang ng sarili ang radyong ito. Ang problema nga lang, madalas hindi ko gusto yung ibang nahahanap ko. Kapag dead on air na ang favorite station ko, maari kong mapakinabangan ang tuning control ko. Gamitin ang fine-tuning para maging sakto ulit sa gusto ko.

Katulad ng radyo, ang puso ko ay gawa sa bakal. Pero konting spark lang, maaring magbago ang tunog nito. Minsan mo nang binuhay ito, at minsang nakalimutan ng puso ko na gawa sa bakal ito. Pero katulad ng maraming bagay, nasisira din ito. Kaya huwag kang magtaka kung pilit kong sinusukat ang voltage mo. Baka kasi kapag nasobrahan, bigla na lang itong sumabogmag-short circuit, at makuryente lang ako. Kapag kulang, baka hindi na ito gumana ng maayos. Dapat sakto lang. Yung spark na magpapatunog nito ng magagandang musika, at hindi makakasira sa kanyang makina. Oo, maselan ang radyo na ito. Kaya sinasala ko ng mabuti ang kuryenteng magpapagana dito. Balang araw, alam ko na kakalawangin din ito, masisira, mabubulok, mawawasak. Pero sisiguraduhin ko, na bago yun mangyari, nakapagbigay muna ito ng magandang musika sa pandinig ng tenga ko, at ng ibang tagapakinig nito. Oo, takot akong mabasag ito nang basta-basta. Kaya sana, hayaan mo munang makapag-adjust ang wiring nito. Pero, kung sa tingin mo hindi compatible, ipaalam mo nang mas maaga. Para hindi na mapasubo ang radyo na may malaking halaga sa pagkatao ko.

No comments:

Post a Comment