Yung moment na pinipilit ko na lang talaga
maging masaya kasi wala naman mangyayari kung magiging malungkot ka...
Nakakapagod
din pala maging malakas para sa lahat... nakakapagod din pasayahin ang iba,
kasi nakakalimutan mo na ikaw din pala, kailangan ng magpapasaya...
Unfair ang
life, kasi minsan, sa dinami-dami ng kasama mo araw araw andun pa rin yung feeling
na mag-isa ka lang talaga... at yung feeling na hindi mo magawang sabihin lahat
ng ito sa iba kasi ayaw mong kaawaan ka nila.